Mukha ng Pagkatao
Mukha ng Pagkatao
by: Lanie Afable
Ako'y isang dilag na unti-unting nagdidiskubre ng aking pagkatao bilang isang dalaga. Pagtapak ko sa kolehiyo, naranasan ko ang lahat ng hirap ng pagiging babae at mag-aaral. Kinuha ko ang kursong Batselor sa Sekondaryong Edukasyon dahil gusto kong maging guro, ngunit hindi ko inaasahan na marami pa palang trahedya at pagsubok na haharapin ko. Mabuti na lamang at maaasahan ang aking mga kaklase, palagi silang nandiyan upang magkaisa at magtulungan kami sa bawat laban.
Tawanan ang naging susi ko upang mapagaan ang bawat araw sa paaralan. Ngunit sa likod nito, naramdaman ko rin ang matinding pagkukumpara sa aking sarili, bilang babae at bilang mag-aaral. Hanggang sa umabot sa puntong naging makasarili ako. Napagtanto ko na sa kagustuhan kong maging katulad nila, unti-unti ko palang sinasaktan ang sarili ko
