Online Class
Online Class
“Sino
na ba ang magtatalakay ngayong araw?” tanong ng aming guro sa Filipino habang
isa-isang sumisilip sa screen ang mga mukha naming kasing labo ng mata ko sa sobrang
hina ng signal. Online class na naman kami dahil sa biglang pagkawala ng tubig
sa barangay malapit sa aming paaralan.
“Ako
na po, Ma’am,” sagot ni Gayle, ang kaklase kong laging handa at mahusay sa
reporting. Habang nagsisimula siyang magpaliwanag, dama ko agad na mas malinaw
ko na namang mauunawaan ang paksa, ang hina ko kasi masyado sa Filipino.
Ngunit
sa kalagitnaan ng kanyang diskusyon, biglang bumungad ang tugtog ng “Maybe
This Time” ni Sarah Geronimo. Saglit siyang natigilan, at kami naman ay
nagkatinginan sa aming maliliit na kahon sa screen. Una ay iniisip naming
aksidente lang pero habang tumatagal, palakas nang palakas ang musika—tila ba
sinasadya.
Sa
halip na mainis, ngumiti lang si Gayle at biglang sinabayan ng pagkanta ang
tugtog. Napanganga kami, maya-maya ay nagtawanan at sabay-sabay na pumalakpak.
Hindi na namin alam kung nakinig pa kami sa kanyang report o naging
mini-concert na lang ang klase. At ang pinaka-epic? Ang aming guro, imbes na
magalit, siya pang unang sumigaw ng, “It’s a yes!”
